20
At nangyari pagkatapos nito, ang mga tao sa Moab at Ammon, kasama ang ilang mga Meunita ay dumating upang makipagdigma laban kay Jehoshafat. At may ilang dumating na nagsabi kay Jehoshafat, “May isang malaking grupo ng mga tao ang paparating laban sa iyo mula sa ibayo ng Dagat na Patay, sa Aram. Tingnan mo, sila ay nasa Hazazon-tamar” (ito ay ang En-gedi). Natakot si Jehoshafat at itinalaga niya ang kaniyang sarili upang hanapin si Yahweh. Nagpahayag siya ng pag-aayuno sa buong Juda. Nagtipun-tipon ang Juda upang hanapin si Yahweh; dumating sila upang hanapin si Yahweh mula sa lahat ng lungsod ng Juda. Tumayo si Jehoshafat sa kapulungan ng Juda at Jerusalem, sa tahanan ni Yahweh, sa harap ng bagong patyo. Sinabi niya, “Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos ng kalangitan? At hindi ba ikaw ang namumuno sa lahat ng kaharian ng mga bansa? Ang kapangyarihan at kalakasan ay nasa iyong kamay, kaya walang sinuman ang makakatalo sa iyo. Aming Diyos, hindi ba ikaw ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito bago ang bayan mong Israel upang ibigay ito magpakailanman sa mga kaapu-apuhan ni Abraham? Nanirahan sila dito at ipinagpatayo ka ng isang banal na lugar para sa iyong ngalan, nagsasabi, “Kung dumating ang sakuna sa amin, ang tabak ng paghatol, o karamdaman, o tag-gutom, kami ay tatayo sa harap ng tahanang ito, at sa harap mo (dahil ang iyong ngalan ay nasa tahanang ito), at kami ay dadaing sa iyo sa aming mga paghihirap, at maririnig mo kami at ililigtas. 10 Ngayon tingnan mo, narito ang mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir, na hindi mo hinayaang malusob ng Israel nang sila ay umalis sa lupain ng Ehipto, sa halip, tumalikod sa kanila ang Israel at hindi sila winasak. 11 Tingnan mo kung paano nila kami gantihan; sila ay darating upang palayasin kami sa iyong lupain na ibinigay mo sa amin upang manahin. 12 Aming Diyos, hindi mo ba sila hahatulan? Dahil wala kaming kakayahan laban sa malaking hukbo na ito na paparating laban sa amin. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, ngunit ang aming mga mata ay nasa iyo.” 13 Lahat ng Juda ay tumayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang kanilang mga sanggol, mga asawang babae, at mga anak. 14 At sa kalagitnaan ng kapulungan, ang espiritu ni Yahweh ay dumating kay Jahaziel na lalaking anak ni Zacarias na lalaking anak ni Benaias na lalaking anak ni Jeiel na lalaking anak ni Matanias, na isang Levita, isa sa mga lalaking anak ni Asaf. 15 Sinabi ni Jahaziel, “Makinig, lahat ng Juda at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, at Haring Jehoshafat: Ito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: 'Huwag kayong matakot, huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa malaking hukbo na ito. Dahil ang laban ay hindi sa inyo kundi sa Diyos. 16 Kailangan ninyong bumaba laban sa kanila bukas. Tingnan ninyo, sila ay paparating mula sa daan ng Ziz. Makikita ninyo sila sa dulo ng lambak, bago ang ilang sa Jeruel. 17 Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh.” 18 Yumuko si Jehoshafat na ang kaniyang mukha ay nasa lupa. At ang lahat ng Judah at mga naninirahan sa Jerusalem ay lumuhod sa harap ni Yahweh na nagpupuri sa kaniya. 19 Ang mga Levita, ang mga angkan ni Kohat at Korah ay tumayo upang papurihan si Yahweh, ang Diyos ng Israel na may napakalakas na tinig. 20 Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumising na sila at lumabas patungo sa disyerto ng Tekoa. Sa kanilang pag-alis, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, “Makinig kayo sa akin, Juda, at kayo na mga naninirahan sa Jeruslaem! Magtiwala kayo kay Yahweh, ang inyong Diyos, at kayo ay tutulungan. Magtiwala kayo sa kaniyang mga propeta, at kayo ay magtatagumpay.” 21 Nang masabihan niya ang mga tao, itinalaga niya ang mga aawit kay Yahweh at magpupuri para sa kaniyang banal na kaluwalhatian, na mauuna bago ang mga hukbo, at magsasabi, “Pasalamatan si Yahweh; dahil ang kaniyang tipan ng katapatan mananatili magpakailanman.” 22 Nang nagsimula silang umawit at magpuri, nagtalaga si Yahweh ng mga kalalakihang lihim na sasalakay sa mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir na paparating laban sa Juda. Sila ay natalo. 23 Dahil ang mga tao ng Ammon at Moab ay dumating upang labanan ang mga naninirahan sa Bundok ng Seir, upang tuluyan silang patayin at wasakin. Nang matapos sila sa mga naninirahan ng Bundok ng Seir, nagtulungan silang lahat upang wasakin ang bawat isa. 24 Nang makarating ang Juda sa isang lugar kung saan natatanaw ang disyerto, nakita nila ang mga hukbo. Sila ay patay na, nakahandusay sa lupa; walang nakaligtas. 25 Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito. 26 Sa ika-apat na araw, nagtipun-tipon sila sa lambak ng Beracah. Doon sila nagpuri kay Yahweh, kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay “Lambak ng Beracah” hanggang sa araw na ito. 27 Pagkatapos, sila ay bumalik, bawat kalalakihan ng Juda at Jerusalem, at sa pangunguna sa kanila ni Jehoshafat sila ay bumalik sa Jerusalem ng may galak; sapagkat pinagalak sila Yahweh sa kanilang mga kaaway. 28 Dumating sila sa Jerusalem at sa tahanan ni Yahweh na may mga lira, alpa, at trumpeta. 29 Ang malaking takot sa Diyos ay nasa lahat ng kaharian ng mga bansa nang kanilang marinig na si Yahweh ang nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel. 30 Kaya ang kaharian ni Jehoshafat ay tahimik, sapagkat binigyan siya ng Diyos ng kapayapaan sa palibot niya. 31 Si Jehoshafat ang naghari sa Juda: siya ay nasa tatlumput' limang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawamput' limang taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba, ang babaeng anak ni Silhi. 32 Lumakad siya sa mga kaparaanan ni Asa, ang kaniyang ama; hindi niya tinalikuran ang mga ito; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh. 33 Gayunman, ang mga altar ay hindi pa inaalis o ni hindi pa itinuon ng mga tao ang kanilang mga puso sa Diyos ng kanilang mga ninuno. 34 Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Jehoshafat, mula una at hanggang sa huli, tingnan, nakasulat ito sa kasaysayan ni Jehu na lalaking anak ni Hanani, na nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Israel. 35 Pagkatapos nito, si Jehoshafat, ang hari ng Juda ay nakipagkasundo kay Ahazias, ang hari ng Israel, na nagsasagawa ng labis na kasamaan. 36 Nakipagkasundo siya sa kaniya upang gumawa ng mga barkong pangkaragatan. Ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber. 37 At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, “Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa.” Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.