16
1 Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak. 2 Sinabi ng hari kay Ziba, “Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin.” 3 Sinabi ng hari, “At nasaan ang apo ng iyong panginoon?” Sumagot si Ziba sa hari, “Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin.”' 4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Ziba, “Tingnan mo, lahat ng nabibilang kay Mefiboset ay nabibilang na sa iyo ngayon.” Sumagot si Ziba, “Yumuyukod akong may pagpapakumbaba sa iyo, aking panginoon, ang hari. Hayaan mo akong makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.” 5 Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad. 6 Binato niya si David at ang lahat ng mga opisyal ng hari, kahit na may hukbo at mga bantay na nasa kanan at kaliwa ng hari. 7 Sumigaw si Simei na nagmumura, “Umalis ka, lumayas mula rito, masamang tao ka, tao ng dugo! 8 Pinaghigantihan kayong lahat ni Yahweh para sa dugo ng pamilya ni Saul na pinalitan ninyo sa pamumuno. Ibinigay ni Yahweh ang kaharian sa kamay ni Absalom ang iyong anak. At ngayon sira ka na dahil isa kang tao ng dugo.” 9 Pagkatapos sinabi ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias sa hari, “Bakit kailangang murahin ng patay na asong ito ang aking panginoong hari? Pakiusap pahintulutan mo akong pumaroon at pugutan siya ng ulo.” 10 Pero sinabi ng hari, “Ano ang gagawin ko sa inyo, mga anak ni Zeruias? Marahil minumura niya ako dahil sinabi ni Yahweh sa kainya, 'Sumpain si David.' Sino sa gayon ang magkapagsabi sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?”' 11 Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, “Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito. 12 Marahil mamasdan ni Yahweh ang kapighatiang ipinataw sa akin at gantihan ako ng mabuti dahil sa pagmumura niya sa akin ngayon.” 13 Kaya naglakbay si David at ang kaniyang mga tauhan sa daan, samantalang si Simei ay sumabay sa kaniyang tabi paakyat sa dalisdis ng burol, nagmumura at naghahagis sa kaniya ng lupa at mga bato. 14 Pagkatapos napagod ang hari at ang lahat ng taong kasama niya at nagpahinga siya nang huminto sila nang gabi na. 15 Si Absalom naman at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya, dumating sila sa Jerusalem at kasama niya si Ahitofel. 16 Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!” 17 Sinabi ni Absalom kay Cusai, “Ito ba ang katapatan mo sa iyong kaibigan? Bakit hindi ka sumama sa kaniya?” 18 Sinabi ni Cusai kay Absalom, “Hindi! Sa halip, ang isang pinili ni Yahweh at ang mga tao ito at ang lahat ng kalalakihan ng Israel, sa mga taong ito ako napapabilang, at mananatili ako kasama niya. 19 At saka, anong tao ang dapat kong paglingkuran? Hindi ba ako dapat maglingkod sa presensiya ng kaniyang anak na lalaki? Gaya ng paglilingkod ko sa presensiya ng iyong ama, maglilingkod ako sa iyong presensiya.” 20 Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ibigay sa amin ang iyong payo tungkol sa dapat naming gawin.” 21 Sumagot si Ahitopel kay Absalom, “Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo. 22 Kaya naglatag sila ng isang tolda para kay Absalom sa ibabaw ng palasyo at sumiping si Absalom sa mga asawang alipin ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel. 23 Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel.