7
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo. Sasabihin mo ang lahat ng inutos kong sabihin mo. Ang kapatid mong si Aaron ay makikipag-usap kay Paraon para payagan niya ang bayan ng Israel na umalis mula sa kaniyang lupain. Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto. Pero si Paraon ay hindi makikinig sa iyo, kaya ilalagay ko ang kamay ko sa Ehipto at ilalabas ang aking mga pangkat ng mandirigmang kalalakihan, aking bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang mga gawa ng pagpaparusa. Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako si Yahweh kapag iniabot ko ang aking kamay sa Ehipto at inilabas ang mga Israelita mula sa kanila.” Ginawa iyon nina Moises at Aaron; ginawa nila tulad ng inutos ni Yahweh sa kanila. Si Moises ay walumpung taong gulang, at si Aaaron ay walumpu't tatlong taong gulang nang nakipag-usap sila kay Paraon. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Kapag sinabi ni Paraon sa inyo, 'Gumawa kayo ng isang himala,' sa gayon sasabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at itapon sa harap ni Paraon, para ito ay maging isang ahas.'” 10 Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas. 11 Pagkatapos tinawag din ni Paraon ang kaniyang mga matatalino at salamangkero. Gumawa sila ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. 12 Bawat isang lalaki ay itinapon ang kaniyang tungkod at ang mga tungkod ay naging mga ahas. Pero ang tungkod ni Aaron ay nilamon ng kanilang mga ahas. 13 Ang puso ni Paraon ay tumigas, at hindi siya nakinig, tulad ng naunang pinahayag ni Yahweh. 14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Matigas ang puso ni Paraon, at tumatanggi siyang payagang umalis ang ang mga tao. 15 Pumunta ka kay Paraon sa umaga kapag lumabas siya papunta sa tubig. Tumayo ka sa pampang ng ilog para salabungin siya, at hawakan ang tungkod na naging ahas sa iyong kamay. 16 Sabihin mo sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay pinadala ako sa iyo para sabihin, “Payagan mong umalis ang aking bayan, para sambahin nila ako sa ilang. Hanggang ngayon ay hindi ka nakikinig.” 17 Sinasabi ito ni Yahweh: “Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo. 18 Ang mga isda na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay mangangamoy. Ang mga taga-Ehipto ay hindi makakainom ng tubig mula sa ilog.” 19 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'” 20 Ginawa nina Moises at Aaron ayon sa inutos ni Yahweh. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig sa ilog, sa paningin nina Paraon at ng kaniyang mga lingkod. Lahat ng tubig sa ilog ay naging dugo. 21 Ang mga isda sa ilog ay namatay, at ang ilog ay nagsimulang mangamoy. Hindi makainom ang mga taga-Ehipto ng tubig mula sa ilog, at ang dugo ay nasa lahat ng dako sa lupain ng Ehipto. 22 Pero ang mga salamangkero ng Ehipto ay gumawa ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. Kaya ang puso ni Paraon ay tumigas, at tumanggi siyang makinig kay Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari. 23 Pagkatapos tumalikod si Paraon at nagpunta sa kaniyang bahay. Hindi man lamang niya binigyang pansin ito. 24 Lahat ng mga taga-Ehipto ay naghukay sa palibot ng ilog para sa tubig na maiinom, pero hindi nila mainom ang mismong tubig ng ilog. 25 Pitong araw ang lumipas matapos salakayin ni Yahweh ang ilog.