6
1 Halikayo, manumbalik tayo kay Yahweh. Sapagkat pinagpira-piraso niya tayo, ngunit pagagalingin niya tayo; Sinugatan niya tayo, ngunit tatalian niya ang ating mga sugat. 2 Pagkatapos ng dalawang araw, bubuhayin niya tayo; ibabangon niya tayo sa ikatlong araw, at mabubuhay tayo sa kaniyang harapan. 3 Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.” 4 Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala. 5 Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag. 6 Sapagkat hangad ko ang katapatan at hindi mga handog at ang aking kaalaman, ang Diyos ay higit pa sa mga susunuging handog. 7 Tulad ni Adan, sinira nila ang kasunduan; hindi sila naging tapat sa akin. 8 Ang Gilead ay isang lungsod ng mga gumagawa ng kasamaan, puno ng bakas ng dugo. 9 Gaya ng pangkat ng mga magnanakaw na naghihintay sa isang tao, kaya nagsama-sama ang mga pari upang pumatay sa daan patungong Shekem; nakagawa sila ng kahiya-hiyang mga kasalanan. 10 Nakita ko sa sambahayan ng Israel ang mga kakila-kilabot na bagay. Nandoon ang pagbebenta ng aliw ng Efraim, at nadungisan ang Israel. 11 Sa iyo man, Juda, ay may nakatakdang pag-aani, kapag naibalik ko na ang mabuting kapalaran ng aking mga tao.