16
Pumunta si Samson sa Gaza at nakita siya doon ng isang babaeng bayaran at sumama siya kasama ng babae sa kama. Sinabi sa mga taga-Gaza “nagpunta dito si Samson.” Pinaligiran ng mga taga-Gaza ang lugar at lihim na naghintay sila sa kaniya ng buong magdamag sa tarangkahan ng lungsod. Wala silang gianwang pagkilos nang gabing iyon. Sinabi nila, “Maghintay tayo hanggang sa lumiwanag ang araw, at pagkatapos patayin natin siya.” Nakahiga si Samson sa kama hanggang hatinggabi. Nang hatinggabi tumayo siya at kaniyang hinawakan ang tarangkahan ng lungsod at ang dalawang poste nito. Binunot niya ang mga ito sa ilalim ng lupa, ang rehas at ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang mga balikat, at dinala ang mga ito paakyat sa itaas ng burol, sa harap ng Hebron. Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah. Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1, 100 piraso ng pilak” At sinabi ni Delilah kay Samson, “Pakiusap, sabihin mo sa akin kung bakit napakalakas mo, at kung papaano ka matatalian ng sinuman, para mapigilan ka?” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo, sa gayon magiging mahina ako at magiging tulad ng sinumang tao. Pagkatapos nagdala ang mga pinuno ng Palestina kay Delilah ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo at tinalian niya si Samson sa pamamagitan nito. Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, “Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!” Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas. 10 Pagkatapos sinabi ni Delilah kay Samson, “Sa ganitong paraan mo ako nilinlang at nagsabi sa akin ng mga kasinungalingan. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung papaano ka maaaring malupig.” 11 Sinabi niya sa kaniya, “Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit sa trabaho, magiging mahina ako at gaya ng sinumang tao.” 12 Kaya kumuha si Delilah ng dalawang sariwang lubid at tinalian siya sa pamamagitan ng mga ito, at sinabi sa kaniya, “Ang mga Palestina ay patungo sa iyo, Samson!” Nakahiga ang mga lalaki na naghihintay sa sulok ng kuwarto. pero natanggal ni Samson ang mga lubid mula sa kaiyang mga braso na para lamang isang sinulid ang mga ito. 13 Sinabi ni Delilah kay Samson, “Hanggang ngayon nilinlang mo ako at nagsabi sa aking nga kasinungalingan. Sabihin mo sa akin kung papaano ka malulupig.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kapag tinirintas mo ang pitong hibla ng aking buhok sa isang tela na nasa isang panghabi, at pagkatapos ipinulupot ito sa panghabi, magiging katulad ako ng sinumang tao.” 14 Habang natutulog siya, pinag isa ang pitong tirintas ng kaniyang buhok ni Delilah sa isang tela sa loob ng panghabi at ipinulupot ito sa panghabi, at sinabi sa kaniya, “Papunta sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Pero gumising siya mula sa pagkakatulog at kaniyang hinila ang tela at ang aspile mula sa panghabi. 15 Sinabi niya sa kaniya, “Papaano mo nasasabing, 'Mahal mo ako,' Hindi mo nga ibinabahagi ang mga lihim mo sa akin? Hinamak mo ako ng mga tatlong beses at hindi mo sinabi sa akin kung papaano ka nagkaroon ng matinding lakas. 16 Araw-araw pinipilit niya siya sa pamamagitan ng kaniyang mga salita, at pinipilit niya siya nang lubusan na hiniling niyang siya ay mamatay na. 17 Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao. 18 Nang makita ni Delilah na nagsabi siya ng katotohanan tungkol sa lahat ng bagay, ipinadala at pinatawag niya ang mga pinuno ng mga Palestina, na nagsasabing, “Umakyat kayong muli, dahil sinabi na niya ang lahat ng bagay sa akin.” Pagkatapos umakyat ang mga pinuno ng Palestina sa kaniya, dala-dala ang mga pilak na nasa kanilang mga kamay. 19 Pinatulog niya siya sa kaniyang kandungan. Tumawag siya ng isang lalaki para ahitin ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, at sinimulan niya para paamuhin siya, dahil nawala ang kaniyang lakas. 20 Sinabi niya, “Patungo sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Gumising siya sa kaniyang pagkakatulog at sinabi, “Makakawala ako gaya ng dati at aalugin ang aking sarili na malaya. “Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Yahweh. 21 Binihag siya ng mga Palestina at tinanggal ang kaniyang mga mata. Dinala nila siya pababa sa Gaza at tinalian siya ng mga tansong kadena. Ipinapaikot niya ang gilingang nasa mga kulungang bahay. 22 Pero nagsimulang tumubo ulit ang mga buhok sa kaniyang ulo pagkatapos itong ahitan. 23 Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, “Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala. 24 Nang makita siya ng mga tao, pinuri nila ang kanilang diyos, dahil sinabi nila, “Tinalo ng ating diyos ang ating kaaway at ibinigay siya sa atin—ang maninira ng ating bansa, na pinatay ang marami sa atin.” 25 Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, “Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin.” Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi. 26 Sinabi ni Samson sa batang lalaki na nakahawak sa kaniyang kamay, “Pahintulutan mo akong hawakan ang mga haligi kung saan nakasandig ang gusali, ng sa gayon makakasandal ako laban sa mga ito.” 27 Ngayon ang bahay ay punung-puno ng mga lalaki at mga babae. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Palestina. Sa itaas ng bubong humigit kumulang na tatlong libong mga lalaki at mga babae, na nanunuod habang sila ay inaaliw ni Samson. 28 Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata.” 29 Hinawakan ni Samson ang gitna ng dalawang haligi kung saan nakasandig ang gusali at sumandal siya laban sa mga ito, isang haligi sa kaniyang kanang kamay, at ang isa sa kaniyang kaliwang kamay. 30 Sinabi ni Samson, “Hayaan akong mamatay kasama ng mga Palestina!” Itinulak niya sa pamamagitan ng kaniyang lakas, at bumagsak ang gusali sa mga pinuno at ang mga tao na nasa loob nito. Kaya ang mga tao na kaniyang napatay nang namatay siya ay mas marami kumpara doon sa kaniyang napatay sa panahon ng nabubuhay pa siya. 31 Pagkatapos bumaba ang kaniyang mga kapatid at ang lahat na kasama sa bahay ng kaniyang ama, at siya ay Kinuha nila, at dinala siya pabalik at inilibing sa gitna ng Zora at Estaol, sa lugar ng libingan ng Manao, na kaniyang ama. Humatol si Samson sa Israel sa loob ng dalawangpung taon.