19
Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda. Pero ang isa pa niyang asawa ay taksil sa kaniya; iniwanan siya at bumalik sa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem ng Juda. Nanatili siya roon sa loob ng apat na buwan. Pagkatapos tumayo ang kaniyang asawa at pumunta sa kaniya para hikayatin siyang bumalik. Kasama niya ang kaniyang tagapaglingkod, at isang pares ng mga asno. Dinala niya siya sa bahay ng kaniyang ama. Nang nakita siya ng ama ng babae, nagalak siya. Ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae, ay hinikayat siyang manatili sa loob ng tatlong araw. Kumain sila at uminom, at nagpalipas sila ng gabi roon. Sa ika-apat na araw maaga silang bumangon at naghanda siya para umalis, pero sinabihan ng ama ng babae ang kaniyang manugang, “Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaunting tinapay, pagkatapos maaari kanang umalis.” Kaya ang dalawa sa kanila ay umupo para kumain at uminom na magkasama. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae, “Pakiusap pumayag na magpalipas ng gabi at magpakasaya.” Nang gumising ng maaga ang Levita para umalis, hinimok siya ng ama ng dalagang babae na manatili, kaya binago niya ang kaniyang binalak at muling nagpalipas ng gabi roon. Sa ika-limang araw gumising siya ng maaga para umalis, pero sinabi ng ama ng babae, “Palakasin mo ang iyong sarili, maghintay hanggang hapon.” Kaya kumain silang dalawa. Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, “Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi.” 10 Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa. 11 Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, “Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon.” 12 Sinabi ng kaniyang amo sa kaniya, “Hindi tayo lilihis patungo sa isang lugnsod ng mga dayuhan na hindi kabilang sa bayan ng Israel. Pupunta tayo sa Gabaa.” 13 Sinabi ng Levita sa kaniyang binata, “Halina, pumunta tayo sa isa sa mga ibang lugar na iyon, at magpalipas ng gabi sa Gabaa o Rama.” 14 Kaya nagpatuloy sila, at lumubog ang araw habang papalapit sila sa Gabaa, sa nasasakupan ng Benjamin. 15 Lumihis sila roon para magpalipas ng gabi sa Gabaa. At pumasok siya at umupo sa plasa ng lungsod, sapagka't walang isa mang nagpatuloy sa kanila sa kaniyang bahay para sa gabi. 16 Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita. 17 Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, “Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?” 18 Sinabi ng Levita sa kaniya, “Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay. 19 Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan.” 20 Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.” 21 Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom. 22 Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, “Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya.” 23 Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito! 24 Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!” 25 Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw. 26 Sa madaling araw dumating ang babae at bumagsak sa pinto ng bahay ng lalaki kung saan naroon ang kaniyang amo, at nahiga siya roon hanggang sa magliwanag. 27 Bumangon ang kaniyang amo sa umaga at binuksan ang mga pinto ng bahay at umalis papunta sa kainyang paroroonan. Nakikita niya ang kaniyang isa pang asawa na nakahiga roon sa pintuan, na ang mga kamay ay nasa bungad. 28 Sinabi ng Levita sa kaniya, “Bumangon ka. Umalis na tayo.” Pero walang sagot. Isinakay niya siya sa asno at umalis ang lalaki para umuwi. 29 Nang makarating ang Levita sa kaniyang bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo, at hinawakan niya ang kaniyang isa pang asawa, at pinagputul-putol siya, biyas sa biyas, sa labing dalawang piraso, at pinadala ang mga piraso sa lahat ng dako ng Israel. 30 Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!”