5
Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking karunungan; makinig mabuti sa aking kaunawaan, upang ikaw ay matuto tungkol sa mabuting pagpapasya, at ang iyong mga labi ay maaaring pangalagaan ang kaalaman. Sapagkat ang labi ng isang nangangalunyang babae ay dinadaluyan ng pulot, at ang kaniyang bibig ay mas madulas kaysa sa langis, pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada. Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol. Hindi niya binibigyang pansin ang landas ng buhay. Ang kaniyang mga yapak ay gumagala; hindi niya alam kung saan siya patungo. At ngayon, aking mga anak, makinig sa akin; huwag tumalikod mula sa pakikinig sa mga salita ng aking bibig. Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay. Sa ganoong paraan hindi ninyo ipamimigay ang inyong karangalan sa iba o ang mga taon ng inyong buhay sa isang malupit na tao; 10 ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala. 11 Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok. 12 Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama! 13 Hindi ako sumunod sa aking mga guro o nakinig sa aking mga tagapagturo. 14 Malapit na akong ganap na masira sa gitna ng kapulungan, sa pagtitipon ng mga tao.” 15 Uminom ng tubig mula sa inyong sariling sisidlan, at uminom ng bukal na tubig mula sa inyong sariling balon. 16 Dapat bang ang inyong mga bukal ay umapaw sa lahat ng dako, at ang inyong mga batis ng tubig ay umagos sa mga liwasang-bayan? 17 Hayaan na ang mga ito ay sa inyo lamang, at hindi para sa mga hindi kilalang taong kasama ninyo. 18 Nawa'y ang inyong bukal ay pagpalain, at nawa'y kayo ay magalak sa asawa sa inyong kabataan. 19 Sapagkat siya ay isang mapagmahal at kaaya-aya tulad ng usang babae. Hayaan ninyo ang kaniyang dibdib ay punuin kayo ng galak sa lahat ng panahon; laging maging bihag ng kaniyang pag-ibig. 20 Sapagkat bakit ikaw, aking anak, ay dapat na mabihag ng isang babaeng nangangalunya; bakit mo kailangang yakapin ang dibdib ng isang hindi kilalang babae? 21 Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng isang tao at pinanonood ang lahat ng landas na kaniyang tinatahak. 22 Ang isang masamang tao ay mabibitag ng kaniyang sariling mga kasalanan; ang mga lubid ng kaniyang kasalanan ay pipigilan siya ng mahigpit. 23 Siya ay mamamatay dahil kulang siya ng disiplina; siya ay inililigaw ng kaniyang labis na kamangmangan.