41
1 Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya. 2 Pangangalagaan siya ni Yahweh at buhay niya ay pananatilihin, at sa lupa siya ay pagpapalain. Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway. 3 Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman. 4 Sinabi ko, “Yahweh, maawa ka sa akin! Pagalingin mo ako dahil nagkasala ako laban sa iyo.” 5 Ang mga kaaway ko ay nagsasalita ng masama laban sa akin, nagsasabing, “Kailan kaya siya mamamatay at maglalaho ang kaniyang pangalan? 6 Kapag pumupunta ang kaaway ko para makita ako, nagsasabi siya ng mga bagay na walang kwenta; iniipon ng kaniyang puso ang aking sakuna para sa kaniyang sarili, kapag lumayo siya mula sa akin, ipinagsasabi niya sa iba ang tungkol dito. 7 Lahat ng mga napopoot sa akin ay sama-samang nagbubulungan laban sa akin; laban sa akin, umaasa sila na masaktan ako. 8 “Isang masamang karamdaman,” sinasabi nila, “ang kumakapit ng mahigpit sa kaniya; ngayon na nakahiga na siya, hindi na siya makakabangon pa.” 9 Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin. 10 Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako para pagbayarin ko sila. 11 Sa pamamagitan nito nalaman ko na nasisiyahan ka sa akin, dahil ang mga kaaway ko ay hindi nagtatagumpay laban sa akin. 12 Para sa akin, tinulungan mo ako sa aking katapatan at iingatan ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman. 13 Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay purihin magpakailan pa man. Amen at Amen. Ikalawang Aklat