55
1 Pakinggan mo aking panalangin, O Diyos; at huwag mong itago ang iyong sarili sa aking pagsamo. 2 Pakinggan mo ako at ako ay iyong sagutin; wala akong kapahingahan sa aking mga kaguluhan. 3 dahil sa tinig ng aking mga kaaway, dahil sa pang-aapi ng masasama; dahil nagdala sila ng kaguluhan sa akin at galit akong inuusig. 4 Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan. 5 Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin. 6 Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga. 7 Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. Selah 8 Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''. 9 Wasakin mo sila, Panginoon, at guluhin ang kanilang mga wika, dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod. 10 Lumiligid sila araw at gabi sa ibabaw ng kanyang pader, kasalanan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya. 11 Kasamaan ang nasa gitna nito; ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis. 12 Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya. 13 Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan. 14 Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos. 15 Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan sila namumuhay. 16 Para sa akin, tatawag ako sa Diyos, at ililigtas ako ni Yahweh. 17 Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig. 18 Ligtas niyang sasagipin ang aking buhay mula sa digmaang laban sa akin, dahil marami silang mga lumaban sa akin. 19 Ang Diyos, ang nananatili mula noon pang unang panahon, ay makikinig at tumutugon sa kanila. Selah Ang mga taong iyon ay hindi nagbago; sila ay hindi natatakot sa Diyos. 20 Itinataas ng aking kaibigan ang kaniyang mga kamay laban sa kaniyang mga kasundo; hindi na niya iginalang ang tipan na mayroon siya. 21 Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya, pero ang kaniyang puso ay naghamon; mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita, pero ang totoo sila ay mga binunot na espada. 22 Ilagay mo ang iyong pasanin kay Yahweh, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid. 23 Pero ikaw, O Diyos, ay dadalhin sa hukay ng pagkawasak ang masama; ang mga uhaw sa dugo at mandaraya ay hindi mabubuhay kahit kalahati ng buhay ng iba, pero ako ay sa iyo magtitiwala.