41
Sa aking harapan ay makinig kayo nang tahimik, kayong mga nakatira sa baybayin; hayaan niyong bumalik ang lakas ng mga bansa; hayaan silang lumapit at magsalita; hayaan tayong magkasamang lumapit para pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan. Sinong nagbuyo ng isang ito sa silangan? Sino ang tumatawag sa kaniya sa mabuting kaayusan sa kaniyang paglilingkod? Siya ang nagbigay ng mga bansa sa kaniya at ginawa siyang may kakayahan na pasukuin ang mga hari; sila ay ginawang tulad ng alikabok sa kaniyang espada, parang hinipang pinaggapasan gamit ang palaso. Hinabol niya sila at ligtas na nakalagpas, sa isang matuling paglalakbay na ang daan na ang kaniyang paa ay madaling matapakan. Sino ang nakagawa at nagtupad ng mga gawang ito? Sino ang nagpatawag ng mga henerasyon mula sa simula? Ako, si Yahweh, ang una, at kasama ang mga nahuli, ako ay siya. Nakita ng mga maliit na pulo at sila'y natakot; ang mga dulo ng mundo ay nayanig; sila ay dumating. Ang lahat ay tumulong sa kaniyang kapit-bahay, at ang bawat isa ay nagsabi sa isa't isa, 'lakasan mo ang loob mo'. Kaya sinikap ng karpintero ang pagpapanday ng ginto, at ang siyang nagtatrabaho gamit ang martilyo ay hinikayat ang siyang nagtatrabaho gamit ang maso, na sinasabi ng nanghihinang, 'ito ay maganda' Ito ay kanilang ikinabit gamit ang mga pako para hindi ito bumaliktad. Pero kayo, Israel, na aking lingkod, Jacob na siyang aking pinili, ang anak ni Abraham na aking kaibigan, ikaw na ibabalik ko mula sa dulo ng mundo, at siyang tinawag ko mula sa malalayong mga lugar, at sa aking sinabihan, “Ikaw ang aking lingkod;” pinili kita at hindi tinanggihan. 10 Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay. 11 Tingnan mo, sila ay mahihiya at manliliit, lahat nang nagagalit sa iyo; sila ay papanaw at maglalaho, silang kumakalaban sa iyo. 12 Hahanapin mo at hindi matatagpuan silang mga nakipaglaban sa iyo; silang nakipagdigma laban sa iyo ay papanaw, ganap nang mawawala. 13 Sapagkat ako, si Yahweh na iyong Diyos, ay hahawakan ang iyong kanang kamay, sasabihin sa iyo, 'Huwag kang matakot; tutulungan kita.' 14 Huwag matakot, Jacob ikaw na uod, at kayong mga Israelita; tutulungan ko kayo” — ito ang pahayag ni Yahweh, ang iyong tagapagligtas, ang Banal ng Israel. 15 Tingnan, ginagawa ko kayong katulad ng isang matalas na karetang panggiik; bago at dalawang talim; inyong gigiikin ang mga kabundukan at dudurugin sila; ang mga burol ay gagawin mong tulad ng ipa. 16 Tatahipan mo at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng hangin. Ikaw ay magagalak kay Yahweh, ikaw ay magagalak sa Banal ng Israel. 17 Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan. 18 Gagawa ako ng batis na aagos sa mga hilig ng lupa, at mga bukal sa kalagitnaan ng mga lambak; ang disyerto ay gagawin kong lawa ng tubig, at ang tuyong lupain sa bukal ng batis. 19 Sa ilang, ang sedro, ang akasya, at ang mertel, at ang puno ng oliba ay lalago; ako ang magsasanhi para lumago sa disyerto ang puno ng igos, puno ng pino, at ng saypres. 20 Gagawin ko ito para makita ng mga tao, kilalanin at maunawaan ng lahat, na ang kamay ni Yahweh ang gumawa nito, na ang Banal ng Israel ang lumikha nito. 21 “Ihain mo ang iyong kaso”, sabi ni Yahweh, “sabihin mo ang iyong pinakamagagaling na katuwiran para sa iyong mga diyus-diyusan', sabi ng Hari ni Jacob. 22 Hayaan mong dalhin nila sa atin ang kanilang sariling mga argumento, hayaan mo silang lumapit sa atin at ipahayag sa atin ang mangyayari, para malaman nating mabuti ang mga bagay na ito. Hayaan mong sabihin nila sa atin ang mga bagay na noo'y ipinahayag na mangyayari, para ang mga ito ay mapag-isipan namin at para malaman kung paano ito natupad. 23 Magsabi kayo ng mga bagay tungkol sa hinaharap, para malaman natin kung kayo ay mga diyos; gumawa kayo ng mabuti o masama, para kami ay matakot at mapabilib. 24 Tingnan mo, ang inyong diyus-diyusan ay walang kwenta, at ang inyong mga gawa ay walang kabuluhan, sinumang pumili sa inyo ay kasuklam-suklam. 25 Ako ay may isang itinalaga mula sa hilaga, at siya ay dumating na; mula sa pagsikat ng araw tinawag ko siyang tumatawag sa aking pangalan, at kaniyang yuyurakan ang mga pinuno gaya ng putik, gaya ng manggagawa ng palayok na nakatungtong sa luad. 26 Sino ang naghayag nito mula nung umpisa, para maaari nating malaman? At bago ang panahon maaari nating sabihin, “Siya ay tama”? Tunay nga na wala nag-utos nito, oo, walang nakarinig na nagsabi ka ng kahit ano. 27 Una kong sinabi kay Sion, “masdan ninyo, nandito na sila;” nagpadala ako ng tagapagbalita sa Jerusalem. 28 Walang sinuman ang nandoon nang ako ay tumingin, walang ni isa sakanila ang makapagbibigay ng mabuting payo, sino, kapag ako ay nagtanong, ang makakasagot. 29 Masdan na, lahat sila ay walang kabuluhan, at ang kanilang mga gawa ay walang kahulugan; ang kanilang mga diyus-diyusan ay hangin at walang alam.